PROLOGO

 INTRODUKSYON

        Sina Marc Jhames R. Orille at Sarah Christine B. Calliten ay nagsama upang gumawa ng malikhaing portfolio ng kanilang natapos na mga akademikong sulatin sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Ang portfolio na ito ay naglalakip ng iba’t-ibang uri ng mga akademikong sulatin, na makapagbibigay gabay at makakatulong sa iba’t-ibang larangan. Ayon kay De Guzman (2017), ang akademikong sulatin ay isang intelektuwal na pagsusulat. Ito ay madalas na ginagamit sa komunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik, at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinion base sa manunulat. Ito rin ay ginagamit upang magpabatid ng mga impormasyon at saloobin sa kanyang ginagawang sulatin.

      Pinangalanan ng manunulat ang kanilang portfolio na P.A.S.K.O, na nangangahulugang Pagsasama ng mga Akademikong Sulatin sa pagbibigay ng mga Kaalaman bilang pakinabang sa lahat ng Oras sapagkat ang isa sa mga layunin ng mga manunulat ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman at mapakinabangan ito ng mga susunod na estudyante at ng ibang mga guro na naghahanap ng mga kasagutan sa kanilang kyuryosidad at katanungan tungkol sa iba’t-ibang uri ng akademikong sulatin. At naniniwala ang mga manunulat na ang portfolio na ito ay matututunang gamitin ng mga susunod pang mag-aaral ang kanilang oras sat ama at hindi magsayang ng oras lalo na sa mga sulating tatalakayin sa mga susunod na pahina.

 

PASASALAMAT

            Inaalay ng mga manunulat ang portfolio na ito sa mga mag-aaral katulad nila na nagnanais pang makahanap ng iba pang mga impormasyon tungkol sa akademikong sulatin at madagdagan ang kanilang mga kaalaman.
           Nagpapasalamat ang mga manunulat sa kanilang kapwa mag-aaral sa walang sawang pagtulong, sa pagbahagi at nagbahagi ng kanilang nalalaman sa paksang akademiko.
           Pinapasalamatan din ng mga awtor ang Diyos sa pagbigay ng lakas na loob upang maisaisip ang mga aralin na ito, at sa kanilang mga magulang, sa walang katapusang pagsuporta sa kanilang pag-aaral.

        At higit sa lahat ay lubos na nagpapasalamat ang mga awtor ng portfolio na ito, sa kanilang guro na si G. Moises Lopez III. Sa pagbabahagi ng mga iba’t-ibang leksyon lalo na sa pagsulat ng akademikong sulatin at sa pagbibigay ng gabay sa mga aralin, mga alituntuning dapat isaalang-alang sa pagsusulat.